-- Advertisements --
Hindi magpapapigil ang grupong Manibela sa pagsasagawa nila ng malawakang titgil pasada sa araw ng Martes, Enero 16.
Sinabi ni Mar Valbuena ang pangulo ng Manibela, nasa 10,000 hanggang 15,000 na mga jeepney drivers at operators ang nagpahayag ng pagsali sa nasabing protesta.
Kasama aniya din na magsasagawa ng tigil pasada ang transport group na PISTON.
Layon ng nasabing tigil pasada ay ang pagpapahinto ng gobyerno sa implementasyon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP).
Magugunitang nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang Enero 31 lamang ang jeepney operators na bigong makapag-apply ng consoidation.