Posibleng mas higit pa ang bilang ng mga miyembro ng lower House ang may malaking insertions noong 19th Congress.
Ito ay matapos lumitaw na humigit-kumulang P100 billion umano ang insertions sa 2025 General Appropriations Act nitong 2025 para pa lang sa mga senador.
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na karamihan ng senador sa 19th Congress ay naglagay ng mga insertions batay sa kaniyang pagsusuri.
Ayon kay Lacson, marami sa mga individual insertions na ito ay naka-for later release, na naging dahilan ng kaniyang pagkabigla sa kabuuang halaga.
Ibinahagi niya na hindi pa niya nakita ang ganitong kalaking total dati, at ikinumpara ang sitwasyon sa panahon bago ideklara na unconstitutional ang PDAF kung saan mga daan-daan milyong piso lamang ang karaniwang naisasama.
Giit ni Lacson, malaki ang pagbabago at dapat pagtuunan ng pansin ang transparency sa paglalagay ng mga item sa budget.












