-- Advertisements --

Magpupulong ang senator-judges sa Lunes para talakayin ang schedule ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kasunod ng mga kamakailang kanselasyon nito dahil sa mga tumamang kalamidad sa bansa.

Ayon kay senator-judge Erwin Tulfo, magpupulong ang mayorya at minorya ng Senador sa lounge sa Lunes para makakuha ng consensus mula sa mayorya ng mga miyembro kung payag ang mga ito na ilipat ang trial sa hapon para bigyan ng mas maraming oras at mapabilis ang paglilitis.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na ang sentimyento ng mayorya ng mga senator-judge ay ilipat sa alas-2:30 ng hapon onwards ang impeachment trial simula sa Setyembre 1.

Matatandaang nauna nang inirekomenda ni senator-judge Juan Miguel Zubiri ang pagbabalik ng mga sesyon sa umaga at impeachment trial sa hapon.