-- Advertisements --

Tiniyak ng Malakanyang na matatag ang gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tugon ito ng Palasyo sa naging banat ni Vice President Sara Duterte na 

hindi na matatag ang kasalukuyang gobyerno.

Ayon naman kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, isang kasinungalingan ang pahayag ni VP Sara.

Binigyang-diin ni Castro ginigiba lamang ng tinawag niyang mga obstructionist ng gobyerno, at gusto lamang siraan si Pangulong Ferdinand Marcos jr. 

Giit ni Castro na hindi talaga makikita ng mga ito ang mga ginagawa ng pamahalaan dahil sadyang nagbulag bulagan ang mga ito.

Alegasyon ng Pangalawang Pangulo, halatang inaabuso na ang mga institusyon at ginagamit ito para sa pansariling interes. 

Pinaalalahanan ni Castro si VP Sara na mismo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nagpasimula ng imbestigasyon dahilan na nabunyag ang malawakang korapsiyon partikular sa flood control projects.

Binanatan din ni Usec Castro ang Duterte administration na walang ginawa para labanan ang korapsyon.

Inihayag ni Castro na hindi na sila umaasa pa ng magagandang salita mula kay VP Sara.

Hindi sinasang-ayunan ng Palasyo ang opinyon ng Pangalawang Pangulo na tila naninira sa kasalukuyang gobyerno.