-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez na siya ay tumatanggap mula sa ilegal na sugal.  

Sa isang statement sinabi Romualdez na naririnig niya ang mga bintang at tinawag niya itong kathang-isip lamang maging ang mga kwento tungkol sa umano’y maleta ng pera.

Sinabi ni Romualdez na ang nasabing alegasyon ay puro imbento at walang ebidensyang ipinapakita.

Tungkol naman sa isyu ng Okada/Delaware, nilinaw niyang wala siyang kinalaman sa kaso, hindi siya iniimbestigahan, at hindi siya akusado.

Ayon kay Romualdez ito ay away ng dalawang negosyo na ginagamit lang ngayon para sirain ako.

Sinabi ni Romualdez na nakakalungkot na si VP Sara Duterte mismo, na na-impeach ng Kamara dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo, ang nagpapakalat ng maling impormasyon. 

Giit ni Romualdez na kung wala nang kredibilidad ang pinanggagalingan ng akusasyon, bakit pa ito paniniwalaan.