-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin at labis ang pagsisisi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa ginawang pag-atake nito sa Qatar.
Ayon sa White House, ito ang naging reaksyon ni Netanyahu matapos ang pulong nila ni US President Donald Trump.
Sinabi ni Netanyahu, na hindi niya sinasadya na matamaan ang ilang sundalo ng Qatar dahil ang tanging target nila ay ang mga Hamas.
Inamin nito na nalabag ng Israel ang soberanya ng Qatar at hindi na umano nito uulitin ang nasabing pag-atake.