-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Department of Justice na nasa ‘provisional acceptance’ pa lamang ang status ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways at mag-asawang Discaya sa kanilang Witness Protection Program.

Batay sa opisyal na pahayag ng kagawaran sa pamamagitan ni Justice Assistant Sec. Mico Clavano, nilinaw rito na tanging proteksyon pa lamang ang saklaw sa ganitong uri ng probisyon.

Ibig sabihin layon sa programa na maseguro ang kaligtasan ng mga tatayong testigo o mga indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Kung kaya’t itinuturing na bilang ‘protected witnesses’ ang mga napabilang o naisama sa naturang ‘Witness Protection Program’.

Partikular, kabilang rito ay sina former DPWH Officials Brice Ericson Hernandez, Jaypee Mendoza, Henry Alcantara, Roberto Bernardo, at pati ang mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya.