Pinuri ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakaaresto ng ilang mga indibidwal na sangkot sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Anson Tan at ang driver nitong si Armanie Pabillo.
Sinabi ni FFCCCII President Victor Lim na mahalaga talaga na magkaroon ng ugnayan sila sa PNP para hindi na maulit ang nasabing insidente.
Umaasa rin sila na maaresto pa ng PNP ang ilang mga indibidwal na nasa likod ng pagpatay ng nasabing negosyante.
Nanawagan din ito sa Department of Justice na mabigyan agad ng hustisya ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso laban sa mga naarestong suspek.
Binigyang halaga nito na ang pagkakaroon ng tahimik na lugar ay siyang mang-aakit ng mas maraming mga investors sa bansa.