-- Advertisements --
Hinikayat ng grupo ng mga meat vendors ang gobyerno na panatilihin ang kasalukuyang minimum access volume (MAV) guidelines.
Ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA) na kapag binago ito ay makakaapekto ito sa suplay ng karne sa bansa.
Dagdag pa ni MITA president Emeritus Jesus Cham na ang plano ng Department of Agriculture ng pagbabago ng panuntunan sa MAV sa susunod na taon ay isang surpresa sa kanila.
Mahalaga aniya na hindi muna ito baguhin dahil sa patuloy ang recovery nila bunsod ng magkakasunod na tamaan ng sakit ang kanilang mga alagan hayop.
Handa umano silang makipag-usap sa DA para ipagpaliban ang nasabing plano.















