-- Advertisements --

Kinonkontra ng Directors’ Guild of the Philippines Inc. (DGPI) ang pagpasa ng Senado ng panukalang batas ukol sa pagpapalawig ng kapangyarihan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Naglabas ang DGPI ng pahayag kung saan pirmado nina eith Sicat, Carlos Siguion-Reyna, Mark Meily, Baby Ruth Villarama, Ma-an Ascuncion-Dagñalan, Sari Dalena, Ed Lejano, Ruel Bayani, ay Joel Lamangan.

Isa sa mga kinokontra ng grupo sa Senate Bill 2805 ay ang pagbibigay ng kapangyarihan din ng MTRCB sa mga online streaming platforms.

Nais ng DGPI na dapat ay tumayong bilang isang magulang ang MTRCB na siyang gumagabay sa mga panonood sa pamamagitan ng paglabas ng mga classification at hindi ang paghigpit sa mga online streamings.

Bagamat suportado ng grupo ang classification gaya ng PG o R-13 rating ay kanilang kinokontra ang pagpapanatili ng X-rating na nagbabawal sa mga may edad na kung ano ang kanilang puwedeng panoorin.

Ang panonood aniya ng mga streaming platform ay maituturing na pangpribado at hindi maituturing na public exhibition.