-- Advertisements --

Siniguro ng pamunuan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga lehitimong online gambling licensees sa bansa sa pamamagitan ng kanilang mga monitoring and enforcement group.

Ito ang naging kumpirmasyon ni PAGCOR Chairperson Al Tengco sa isinagawang pagdinig sa Senado.

Aminado ang opisyal na hindi perpekto ang kanilang kasalukuyang sistema at regulasyon sa ngayon.

Tiniyak rin nito na hindi nila pinapayagan na makalusot ang maglaro na mga menor de edad sa mga online gambling sites.

Naniniwala naman ito na hindi nila ikinukunsiderang failure of regulation ang kasalukuyang nangyayari industriya ng online gambling.

Mahalaga rin ng mayroong nakalatag na mga structure ng rules and regulations sa kabila ng hindi pagiging perpekto ang kanilang set of rules.

Sa kabila ng mga isyu, binigyang diin ng PAGCOR Chairperson na mahalaga pa rin na magtungo sa mga lehitimong e-gambling sites para maaaring may malapitan kapag nagkaproblema.