Ja Morant grizzlies
Memphis Grizzlies rookie point guard Ja Morant (photo from @GrizzliesPR)

Bumida ang Memphis Grizzlies point guard na si Ja Morant upang pahiyain nila ang Houston Rockets, 121-110.

Tinawag pa ng mga observers na “spectacular performance” ang ipinakita ni Morant, 20, na may 26 points at eight assists.

Sinasabing siya ang unang rookie sa kasaysayan ng NBA na umiskor ng mahigit sa 90 percent.

Para naman kay Morant na siyang No. 2 overall pick ng Grizzlies (19-22) ay nagsabing nag-e-enjoy lamang siya.

Hinulaan naman ng ilan na tiyak na kandidato si Morant bilang Rookie of the Year.

Sa kabilang dako nasayang naman ang ginawa ni James Harden, ang 2018-19 MVP, na nagtala ng 41 points dahil sa pagkatalo ng Houston (26-13).