Nagpalitan ng maaanghang na salita sina Golden State Warriors forward Draymond Green at si Canadian rapper at Raptors fan Drake matapos ang 118-109 panalo ng Toronto sa Game 1 ng NBA Finals.

Naging maikli lamang ang patutsadahan nina Drake at Green, na nagtapos na may triple-double na 10 points, 10 rebounds at 10 assists.

Matapos nito ay umalis na si Green sa court.

Sa naganap naman na postgame presser, binalewala lamang ni Green ang nasabing insidente.

“You got a question about basketball? It wasn’t really a scuffle, because I didn’t hit him and he didn’t hit me,” wika ni Green.

Matatandaang umani na rin ng batikos si Drake dahil sa pagtawag nito ng pansin sa mga Toronto players at coaches mula sa kanyang upuan sa courtside malapit sa bench.

Nitong linggo nang makipag-usap ang NBA sa Raptors hinggil sa asal ng music star, na lumikha na rin ng kahalintulad na kontrobersiya noong nakaraang taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here