-- Advertisements --

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia kaugnay sa kontrobersyal na Mananga River flood control project.

Ayon sa desisyon ng Ombudsman, walang sapat na ebidensya upang patunayan na may naganap na katiwalian sa pagpapatupad ng proyekto noong siya ay nasa unang termino bilang gobernador.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang kontrata para sa flood control project sa Talisay City, Cebu.

Sa resolusyon, sinabi ng Ombudsman na hindi napatunayan na may masamang intensyon o paglabag sa batas si Garcia sa pag-apruba ng proyekto.

Dahil dito, tuluyan nang ibinasura ang kaso at inalis ang anumang pananagutan ng dating gobernador.