BUTUAN CITY – Dahil sa patuloy na bantang hatid ng coronavirus disease-2019 (Covid-19) scare, pinagpaliban ng isang kindergarten school sa Gwangju, South Korea sa Marso 9 ang dapat sana’y graduation ceremony nila bukas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Joy Enriquez-Lee, lumad na taga-Buenavista, Agusan del Norte at permanent resident na ng Gwangju City, South Korea, simula noong bumalik na sila sa South Korea nitong Pebrero a-9 mual sa bakasyon dito sa Pilipinas ay hindi na sila lumabas pa ng kanilang bahay dahil sa takot na ma-infect ng nakamamatay na virus.
Inihayag ni Lee na dalawang linggo na sila ngayong hindi lumabas ng kanilang bahay kasama ang dalawa niyang mga anak maliban lamang sa kanyang Koreanong asawa na kailanangng magtrabaho.
Pagdating ng kanyang asawa ay kaagad nitong itatapon ang suot-suot na face mask at kaagad na maliligo upang matiyak na hindi makakapasok sa kanilang bahay ang virus.
Dagdag pa nito na mula sa elementarya, sekondarya at kolehiyo aysuspendido ang klase maliban lamang sa mga kindergarten na maaari pa ring pumasok upang may mag-aalaga lalo na kung ang kani-kanilang mga magulang ay may trabaho.
Napag-alamang bukas sana ang graduation ceremony ng kanyang anak ngunit ipinagpaliban ito sa Marso a-9 depende pa sa magiging takbo ng impeksyon.
Sa kanilang lugar ay pito umano sa siyam na mga Koreanong na-quarantine ang kumpirmadong nakapitan ng virus habang negatibo ang dalawa.