Carlo
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay na nang matagpuan ang isang 17 anyos na estudyante matapos magbigti sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Carlo Solis Villordon, 17 anyos, Grade 8 Student sa Nicaan High School at residente ng sa Purok 2 Barangay Grebona Grebona Libungan Cotabato.

Sinabi ni  Shiela Solis Villordon, matamlay umanong dumating sa kanilang tahanan ang kaniyang anak bago pa man nangyari ang insidente.

Kalaunan ay pumunta umano si Carlo sa isa pa nilang tahanan na bakante at makalipas ang isang oras ay pinuntahan na ito ng kaniyang ina at dito na tumambad sa kaniya ang nakalambitin niyang anak.

Gamit ng biktima sa kaniyang pagpapakamatay ang lubid ng tonner bag.

-- Advertisement --

Kahirapan sa buhay at masalimuot na problema sa pamilya ang nakikitang dahilan ng pagkitil ng biktima sa kaniyang sariling buhay.

Wala namang nakitang foul play ang Libungan PNP sa kanilang imbestigasyon sa pagkasawi ng binatilyo.