-- Advertisements --
Handang ibenta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga assets ng gobyerno kapag nagkulang na ang pondo sa pagtulong sa mga naapektuhan ng coronavirus disease.
Sinabi ng pangulo na ito na ang kaniyang gagawin kapag tuluyang malubog ang bansa sa utang.
Inihalimbawa nito ang Cultural Center of the Philippines na kaniyang ibebenta para may maipantulong sa mga tao.
Ibibigay niya sa mga opposition sakali ang pagbebenta ng mga assets para walang anumang duda.
Nilinaw nito na hindi pa nakukulekta ang ilang pondo para sa ayuda ng gobyerno sa mga naapektuhan ng COVID-19.
Pagtitiyak naman ng pangulo na habang siya ang namumuno sa bansa ay maibibigay niya ang lahat ng makakayang tulong ng gobyerno sa mga tao.