CENTRAL MINDANAO- Determinado at masayang pinuntahan ni Governor Nancy Catamco ang isang underground river na matatagpuan sa liblib na lugar ng Brgy. Malagap, Banisilan, North Cotabato.
Ito ay bilang tugon nang naghayag ng imbitasyon si Malagap Brgy. Kapitan Carlos Benedicto sa paghiling na kilalanin bilang tourism destination ang ilog.
Gusto ng Gobernadora na personal na makita at maranasan ang tatahakin ng mga turista patungo sa underground river.
Laking pasalamat naman ni Kapitan Benedicto nang pinaunlakan ng Gobernadora ang kanyang imbitasyon.
“Humingi po ako ng tulong upang ayusin ang kalsada, sobra pa sa hiling ko ang sagot nya, dahil pumunta po sya dito,” ani Kapitan Benedicto.
Kasama ng Gobernadora si Provincial Tourism Officer Josephine Abellana at Provincial Engr. Jun Duyongan para magsagawa ng iniital assessment sa tourism potential ng ilog at ang infrastructure support na kakailanganin nito.
Inihayag ng butihing Gobernador na kabilang Ang turismo sa dapat mapagtuonan ng pansin at masuportahan, lalo na ngayon malapit nang maging operational ang Central Mindanao Airport.
Gumuhit ang saya sa Gobernadora ng dumating at makita nito ang Underground river.
Inaasahan ang serye ng pulong sa pagitan ng Tourism Division, BLGU, Provincial Engineering, MLGU at PPDO kasunod ng aktibidad.