-- Advertisements --

Sinibak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Vince Dizon sa puwesto si Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara matapos masangkot sa ghost project. Irerekomenda rin ng kalihim sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal si Alcantara, habang si Engr. Jaypee Mendoza ay nasa proseso na rin ng kanyang dismissal.

Samantala, inanunsyo rin ni Dizon ang habambuhay ng pagbabawalan Waowao Builders at Syms Construction na lumahok sa anumang proyekto ng DPWH. Irerekomenda rin ng kagawaran sa Department of Justice na sampahan ng kaso ang dalawang kumpanya dahil sa pagkakasangkot sa mga ghost project.

Bukod dito, tiniyak ng kalihim na makikipag-ugnayan ang DPWH sa Philippine Contractors Accreditation Board upang masuri ang mga iregularidad at mapanagot ang mga sangkot na contractors.