-- Advertisements --

Nagbigay babala si Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen ng Korte Suprema sa mga ‘law students’ hinggil sa paggamit ng mga ito sa ‘Artificial Intelligence’.

Kung saan kanyang pinaalalahanan ang mga ito sa masyadong pagiging ‘dependent’ sa naturang ‘advancement’ ng teknolohiya.

Kanya pang sinabi sa mga estudyante ng batas na iwasan rin ang pag-shortcut sa pag-aaral sa kanilang paggamit ng Ai.

Habang dito niya binigyang diin ang kahalagahan sa pagbabasang maigi ng kabuuang teksto ng mga kaso sa bawat linya at kada-salita.

Ani pa Senior Associate Justice Leonen, ang paulit-ulit na pagbabasa ng mga kaso ay makapagbibigay daan para masanay ang utak ng mga mag-aaral at mahasa pagdating sa pag-intindi ng batas.

Kaya’t kanyang babala pa na ang hindi pag-iwas sa temptasyon paggamit ng Artificial Intelligence ay maaring magdulot kalaunan ng ‘digital amnesia’.

Kung saa’y kalimitan nalilimutan ng isang indbidwal ang impormasyong ipinaubaya na lamang sa teknolohiya sa halip na sa sariling kakahayan.