Hinimok ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang mga bar examinees ngayong taon na gamiting sandigan sa kanilang pagsusulit ang kanilang paninindigang makapagbigay ng hustisya.
Sa isang pahayag, nagbigay ng paalala ang NUPL na ang pagaaral ng Law ay dapat may kaakibat na integridad at kabutihan na pangalagaan ang interes ng publiko at makapagbigay ng serbisyong publiko.
Ayon sa grupo, magsilbi sanang paalala sa mga examinees ngayong taon na ang panuntunan ng batas ang magtataguyod para makahanap ng pananagutan sa mga korapsyon at katiwalian na kasalukuyang nararanasan ng bawat Pilipino.
Kaya naman panawagan ng NUPL, protektahan ang hustisya at ang karapatang pantao ng bawat mamamayan at labanan ang korapsyon.
Samantala, ang mga panawagan nman na ito ng grupo ay bunsod pa rin sa mainit na talakayan hinggil sa mga anomalyang umuusbong sa mga flood control projects ng pamahalaan na siyang kasalukuyan ring iniimbestigahan ng kongreso.