Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Napanatili ng aktor na si Richard Gomez ang kaniyang posisyon bilang alkalde ng siyudad ng Ormoc.

Ito’y matapos na makakuha ng 77,573 votes si Gomez laban sa kaniyang katunggali na nakahakot lang ng 29,795 votes.

Maging asawa ni “Goma” na si Lucy Torres-Gomez ay panalo rin bilang congresswoman sa 4th District ng Leyte.

Nakalikom si Lucy ng 80,862 na boto laban sa 25, 001 votes na napunta sa kaniyang katungali na si Winnie Codilla.