Itinakda sa Hunyo ang pagbabalik sa ring ni Gennady Golovkin.

Ito ay matapos na pumirma ng multiyear deal sa DAZN.

Hindi naman ibinunyag ng kaniyang kampo kung sino ang susunod na makakalaban at petsa ng nasabing laban.

Itinuturing din na ang nasabing pagpirma niya bagong kontrata ay isang paraan para sa muling paghaharap niya kay Canelo Alvarez sa pangatlong beses.

Magugunitang noong unang nagharap si Golovkin at Alvarez ay nauwi sa draw ang laban.

Noong Setyembre naman ay nagwagi si Canelo laban kay Golovkin.