-- Advertisements --

Mariing tinutulan ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ng grupong Alyansa Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya o ABKD ang kumakalat na mga disimpormasyon patungkol sa Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.

Panawagan niya na imbes tuligsain o siraan, ani Goitia ay suportahan na lamang ang mga kasapi nito kasunod ng mga pambabatikos hinggil sa kanilang katapatan sa bayan.

“Ang ating mga sundalo at coast guard ay naglilingkod hindi para sa pulitika o para sa ibang bansa, kundi para sa sambayanang Pilipino,” ani Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.

Naniniwala siyang ang pagdudahan ang katapatan ng sandatahan ay mistulang insulto umano para o sa bawat Pilipinong lingkod-bayan.

Kaugnay ang pahayag kasunod ng palitan ng kumento o salaysay nina Rep. Paolo “Pulong” Duterte at PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, sa hinala ni Duterte na may impluwensya umano ang CIA at Estados Unidos sa polisiya ng depensang Pilipinas.

Kung saan kadyat itong pinabulaanan ni Philippine Coast Guard Spokesperson to the West Philippine Sea at itinuring ang paratang bilang ‘divisive noise’.

Dito binigyang diin ni Tariela na ang AFP at PCG nama’y nananatiling tapat sa republika at lalo nasa pagprotekta sa teritoryo ng bansa na West PH Sea.

Ito’y sinang-ayunan naman ni Goitia sa pahayag at paniniwala na ang ganitong mga uri ng alegasyon ay layon lamang pagwatak-watakin ang mga Pilipino.

“Hindi tapat na malasakit sa bayan ang basta pagbibintang sa ating mga sundalo. Ang matapat na mamamayan ay nagbibigay-suporta, hindi paninira,” ani Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.

Dahil rito’y panawagan ni Goitia sa mga lider o opisyal na maging responsable sa kanilang mga isinasapublikong pahayag upang maibsan ang anumang masamang epekto o dulot nito.