Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na palalakasin nito ang manggagawang Pilipino bilang paghahanda sa pagpasok ng mga foreign investors sa bansa sa pamamagitan ng pagtiyak na ang Pilipinas ay may sapat na well-educated and highly-skilled workforce.
Sa ngayon, naghahanda na rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng pagtutok para resolbahin ang “jobs mismatch issues” sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Filipino workers.
Paliwanag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang pagpapalakas sa mga manggagawa ay dapat industry-led at demand- and market-driven ng sa gayon ang mga manggagawa ay makahanap ng trabaho na angkop sa kanilang kakayahan at kasanayan.
Sabi ni Laguesma na dapat magkaroon ang Pilipinas ng epektibong labor information system ng sa gayon ikukumpara ito sa iba-ibang mga rehiyon kung nasaan ang mga available nang sa gayon makatulong ito sa mga naghahanap ng ideal na lugar kung saan mag-i-invest ang mga investors.
Dagdag pa ni Laguesma mahalaga din na palakasin ang sistema ng bansa sa digitalization ng mga available na mga trabaho nang sa ganun mayroong pagkakataon na makapamili ang mga manggagawa kung saan nila gustong magtrabaho at anong klase ng trabaho.
Dagdag pa ni Laguesma ang mga isyu sa job mismatch ay maaari ding matugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng jobs fair, kung saan nakatuon ngayon ang DOLE sa pag-alam sa mga kinakailangan ng bawat industriya upang mabisang matugunan ang mga ito.
Isa pang pinagtutuunan ng pansin ng administrasyong Marcos ay ang pagtiyak na ang Pilipinas ay may mura at matatag na suplay ng enerhiya na maaaring magpapanatili sa mga industriya ng pagmamanupaktura na lumilikha ng mga trabaho na may inaasahang pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan.
Sa kabilang dako, ayon kay Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na target ng DOE na magkaroon ng 35 porsiyento ng supply ng bansa mula sa renewable energy sources (RE) sa 2030, at 50 porsiyento sa 2040.
Sinabi ni Fuentebella na ang paglipat sa RE ay napapanahon dahil sa napakataas na presyo ng gasolina na nagdaragdag ng pasanin sa mga power generating na planta, ang pagdaragdag ng potensyal sa labas ng pampang ng bansa ay napakahusay at maaaring mapanatili ang pangangailangan sa enerhiya sa hinaharap.
Bahagi ng inisyatiba ng gobyerno na babaan ang presyo ng kuryente ay ang diversification ng energy sourcing, dagdag ni Fuentebella.
Dagdag pa ni Fuentebella na isa pang estratehiya ng gobyerno ang pagtuturo sa publiko sa pagtitipid ng enerhiya para matugunan ng Pilipinas ang iba pang isyu tulad ng inflation, pagkasira ng kapaligiran, mataas na presyo ng kuryente at ang competitiveness ng bansa sa ibang mga bansa.