-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na isapubliko ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa “proper authority” at naaayon sa proseso na inilatag ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na nais niyang linawin ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi maaring sinuman na makita ang mga SALN ng mga cabinet officials at maging ang pangulo mismo.

Subalit ayon kay Castro, na si Pangulong Marcos mismo ang naghayag na papayag itong isapubliko ang SALN sa tamang otoridad at alinsunod sa utos ng Ombudsman.

Natitiyak na tutugon at susundin ng Pangulo ang mga gabay na inilaan ng Ombudsman ukol sa pagpapalabas ng SALN.

Magugunitang una ng sinabi ni Pres. Marcos na handa itong isapubliko ang kaniyang SALN at maging ang kaniyang mga gabinete ay kaniyang hihikayatin.