Dumating na si US President Donald Trump sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa ika-47 ASEAN Summit and Related Summits.
Mag-tanghali nang lumapag ang Air Force One sa Bunga Raya Complex ng Kuala Lumpur International Airport, kung saan personal na sinalubong siya ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.
Sa kanyang pagdating, masiglang sinalubong si Trump sa pamamagitan ng arrival honors, at napasayaw pa ito sa tugtuging inihanda ng mga lokal na musikero.
Nakatakdang saksihan ni Trump ang paglagda sa kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Thailand at Cambodia sa nasabing summit.
Ang pagbisita ng Pangulo ng Amerika sa Malaysia ay bahagi ng kanyang Asia tour, kung saan nakatakda rin siyang lumagda ng kasunduang pangkalakalan sa bansa.
Matapos ang ASEAN Summit, dadalo rin si Trump sa APEC 2025 na gaganapin sa South Korea.
 
		 
			 
        









