-- Advertisements --

Binatikos ng iba’t ibang grupo ng manggagawa ang umano’y anomalya sa NAIA-Public-Private Partnership (NAIA-PPP) deal na anila’y nagpapakita ng mga pattern ng “rigged” o hindi patas na bidding.

Ayon sa kanilang pahayag, ang pinagtagpi-tagping impormasyon, kakulangan sa konsultasyon, at pagbura sa ilang bahagi ng kontrata ay nagpapakita ng kakulangan sa transparency at pagiging patas na hinihingi ng Public-Private Partnership (PPP) framework.

Dahil dito, nanawagan sila sa Investment Coordination Committee (ICI) na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa naturang kasunduan at sa mga opisyal ng gobyerno na posibleng lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Hiniling din nila na suriin ang rate-setting mechanisms at legalidad ng tinatawag na “Non-Regulated Fees.”

Bukod dito, nanawagan ang grupo na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng proyekto hangga’t walang independent consultant na naitalaga, at irekomenda ang mga nararapat na hakbang tulad ng rebisyon o kanselasyon ng kontrata kung mapatunayang may korapsyon o masamang hangarin sa kasunduan.