-- Advertisements --
Patuloy ang pamamayagpag ng mga atleta ng bansa sa nagpapatuloy na 3rd Asian Youth Games sa Bahrain.
Mayroong ng anim na gintong medalya at dalawang silver medals ang nakuha ng Pilipinas.
Ang panibagong nagdala ng gintong medalya ay ang mga Muay performers ng bansa na kinabibilangan nina Zeth Gabirel Bueno at Lyle Anie Ngina sa individual wai kru.
Dinagdagan pa nina Jan Brix Ramiscal at Tyron Jamborillo ang pagkuha ng ikatlong gintong medalya.
Naniniwala ang Philippine Olympic Committee na madadagdagan pa ang hahakutin na gintong medalya ng mga atleta dahil sa mayroong ilang mga events pa na lalahukan ng mga atleta ng bansa.
















