-- Advertisements --

Tiwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na madagdagan pa ang hahakutin na gintong medalya ng Pilipinas sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya , Japan.

Kasunod ito sa unang pagkamit ng Pilipinas ng gintong medalya sa pamamagitan ni two-time Olympic champion Carlos Yulo na nangibabaw sa floor exercise.

Sasabak pa kasi si Yulo sa finals ng parallel bars at vault category ngayong araw.

Pasok na rin sa finals ang pambato ng skateboarding sa pamamagitan ng 12-anyos na si Mazel Paris at Jericho Francisco.

Ilan pa sa mga maaring makapag-uwi ng gintong medalya sa sports ng boxing ganun din sa pole vault sa pamamagitan ni EJ Obiena.