-- Advertisements --

Pinuna ni Senator Alan Peter Cayetano ang palagiang pagbiyahe sa ibang bansa ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa.

Ayon sa Senador, na bagamat humanga ito dahil sa pagbunyag ng hindi nagagamit na mga health facilities.

Base sa record na kaniyang nakita ay mayroong 20 biyahe sa ibang bansa ang DOH Secretary.

Nagbiro pa ang Senador na baka interesado ang kalihim na maging Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary.

Ikinalungkot lamang ng senador dahil maraming mga nagdaang bagyo at lindol ay tila hindi nakita ang presensya ng DOH Secretary.