-- Advertisements --

Opisyal nang tinanggap ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang bansang Timor-Leste (East-Timor) bilang ika-11 miyembro nito matapos ang 14 taong paghihintay.

Ang pormal na pag-anunsyo ay ginawa sa ASEAN Summit sa Kuala Lumpur ngayong Linggo, kung saan itinaas ang watawat ng Timor-Leste sa hanay ng iba pang bansang kasapi.

Ayon kay Prime Minister Xanana Gusmão, maksaysayang sandali aniya ito para sa panibagong yugto sa bansang Timor-Leste.

‘For the people of Timor-Leste, this is not only a dream realized, but a powerful affirmation of our journey,’ pahayag ni Gusmão sa isang interbyu.

Ganoon din ang pagkagalak ni Timor-Leste President Jose Ramos-Horta, kung saan sinabi nito na matagal na aniyang layunin ng bansa na maging bahagi ng ASEAN upang mapalakas nito ang ugnayan ng rehiyon sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asian.

Bagaman maliit lamang ang ekonomiya ng Timor-Leste na nasa $2 billion, umaasa ang pamahalaan na magbubukas ang pagiging kasapi nito sa ASEAN ng mas maraming oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan.

Nabatid na ang Timor-Leste ay dating pinamumunuan ng Portugal at nasakop ng Indonesia bago tuluyang nakamit ang kalayaan noong 2002.