-- Advertisements --

Inilabas na ng Manila Police District (MPD) ang road closures at alternative routes sa Manila na magsisimula sa Oktubre 30, mula alas-10 ng gabi hanggang Nobyembre 3, 7 ng gabi bilang paghahanda sa Undas 2025.

Mga isasara na kalsada:

  • Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang Aurora Blvd.
  • Dimasalang St. mula Retiro St. hanggang Calavite St.
  • Maceda St. mula Makiling St. hanggang Dimasalang St.
  • Southbound lane ng Dimasalang Bridge
  • Aurora Blvd. mula Felix Huertas Rd. hanggang Matandang Sora (Chinese Cemetery South Gate)

Mga alternative routes:

  • Mula Dimasalang Road papuntang Blumentritt Road → kaliwa sa Makiling St.
  • Mula A. Bonifacio Ave. mula Quezon City → kaliwa sa Labo St.
  • Mula Maceda St. papuntang Dimasalang St. o Retiro St. → kanan sa Makiling St.
  • Parking areas sa paligid ng Manila North Cemetery:
  • P. Guevarra St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.
  • F. Huertas St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.
  • Oroquieta St. mula Blumentritt Rd. hanggang Aurora Blvd.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bubukas ang Manila North Cemetery mula ala-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, at babalik sa regular na operasyon pagkatapos.

Pinayuhan ang publiko na iwasan na ang pagdadala ng armas, matutulis na bagay, alak, alagang hayop, musical instruments, sound system, at flammable liquids sa loob ng sementeryo.