Tiniyak ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDEV) Secretary Arsenio Balisacan na may mga hakbang na ipatutupad ang pamahalaan sa ilalim ng 2026 proposed national budget para matulungan maiangat ang buhay ng mga nasa vulnerable sector.
Sa kabila ng magandang balita na bumaba ang national poverty rate sa bansa.
Sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Kamara, tinukoy ni Batangas Representative Ryan Recto ang tatlong vulnerable sector na mataas pa rin ang poverty incidents ito ay ang sektor ng mga indigenous people, mangingisda at mga magsasaka.
Tinanong ni Rep. Recto si Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan kung ano ang mga intervention na ipatutupad ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayan na tin na naghihirap pa rin.
Tugon ni Secretary Balisacan, sa ilalim ng 2026 proposed national budget kanilang sisiguraduhin na makakarating sa nasabing mga sektor ang tulong ng pamahalaan.
Bukod sa mga programang social protection, health at education may mga special programs na inilaan para sa mga ito ng sa gayon maging maginhawa ang buhay ng ating mga kababayan mula sa vulnerable sector.