Mayroong mahigit 40 milyon doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok na ng gobyerno mula ng simulan ang kanilang vaccination program.

Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr, na mayroong 23 percent sa 77 milyong target population ang kanilang nabakunahan na.

Sa nasabing bilang ay mayroong mahigit 22.5 milyon ang nabigyan ng first doses habang halos 18 milyon na ang fully vaccinated.

Posibleng tataas pa ang nasabing bilang dahil sa tuloy-tuloy ang bakunahan na ginagawa ng gobyerno.

Ilan sa mga ito ay ang pagbubukas nila ng ibang mga priority groups.

-- Advertisement --