-- Advertisements --

Naihatid na ng gobyerno sa 50,063,728  na mga Pilipino ang kanilang National Identification Card batay sa ulat ng PSA.

Sa isang pahayag, sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, patunay aniya ito na naging matagumpay ang naturang programa ng gobyerno.

Dahil dito, mas marami nang mga transaction sa ahensya gobyerno ang maaaring paggamitan nito.

Sinabi rin ng PSA, na maliban sa pisikal na National ID, wala rin patid ang PSA sa paghahatid ng mga ePhilIDs.

Batay sa datos, pumalo na sa 45,157,255 ePhilIDs na kanilang naipaabot.