Inamin ni Utah Jazz center Rudy Gobert na nag-iba na naman ang kanyang pakiramdaman habang nagpapagaling sa coronavirus disease.

Ayon kay Gobert nawalan sya nang pang-amoy o sense of smell.

Kung maalala mahigit isang linggo na rin sya matapos ilabas ang resulta na nagpositibo sya sa COVID-19.

Noong nakalipas na araw daw ay gumanda na ang kanyang pakiramdaman pero nito lamang ay nag-iba na naman ang kanyang kondisyon.

Una nang iniulat ng ilang eksperto na ang pagkawala ng pang-amoy ng isang tao ay sintoma ng coronavirus.

Samantala, liban kay Gobert ang ilan pang nag-COVID positive ay ang Jazz teammate na si Donovan Mitchell at Brooklyn Nets star Kevin Durant.