-- Advertisements --

Bahagyang bumaba ang bilang ng nagugutom sa buong mundo noong 2024 sa tinatayang 8.2%, ngunit patuloy itong tumataas sa ilang bahagi ng Africa at kanlurang Asya.

Bagama’t may pagbuti sa timog Asya at Latin America, mahigit 307 milyon sa Africa at 39 milyon sa kanlurang Asya ang nakaranas pa rin ng gutom.

Ang mataas na food inflation mula 2020–2023 ay nagpapabagal sa pagbangon ng seguridad sa pagkain pagkatapos ng pandemya.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo, nabawasan ang bilang ng mga hindi kayang bumili ng masustansyang pagkain sa buong mundo, ngunit dumami pa rin sila sa mga bansang mababa ang kita.

Nagpakita ang ulat ng global progress sa nutrisyon ng mga bata, gaya ng pagbaba ng stunting at pagtaas ng eksklusibong pagpapasuso.

Nanawagan ang mga ahensiya ng UN ng pinagsamang hakbang, mula sa pamumuhunan sa agrikultura hanggang sa pagpapalakas ng mga social safety net, upang masigurong walang maiiwan sa laban kontra gutom.