Devance Joe
Joe DeVance/ PBA image

Nakatakdang magtungo sa Germany si Barangay Ginebra veteran player Joe Devance para sumailalim sa stem cell procedure.

Ipapagamot kasi ng 38-anyos ang kaniyang paa at tuhod na kaniyang idinadaing noong nakaraang tatlong season.

Dahil dito ay hindi ito makakapaglaro ng tatlong linggo sa pagsisimula ng 45th season ng PBA na magsisimula sa susunod na buwan.

Magugunitang pumirma ng isang taon na extention sa kaniyang kontrata sa Ginebra si Devance.