Reading Time: 1 minute
Andray Blatche
Gilas vs ADL / FB image

Binigo ng Gilas Pilipinas ang Adelaide 36ers sa kanilang tune-up games 92-83 para sa FIBA World Cup.

Ito ang unang sa dalawang tune-up games ng Gilas na ginanap sa Meralco Gym.

Nanguna sa panalo ng Gilas si Andray Blatche na nagtala ng 19 points, 18 rebounds at siyam na assists habang mayroong 17 points i Japeth Aguilar.

Naging kuntento naman si Gilas coach Yeng Guiao dahil naging maganda ang ipinamalas ng 36ers na maging physical, rugged para masubok ang lakas ng Gilas.

Gaganapin naman sa Linggo ang pangalawang paghaharap ng Gilas sa 36ers.