Reading Time: 1 minute
Serbia basketball
Serbia Basketball team / FIBA image

Pinahirapan ng Serbia ang Gilas Pilipinas 126-67 sa kanilang paghaharap sa Group D sa 2019 FIBA World Cup na ginanap sa Foshan International Sports and Cultural Center.

Ang pagkatalo nila isang matapos tambakan ng 46 points ng Italy ang national team.

Nagtulong-tulong sina Nikola Jokic, Bogdan Bogdanovic, Nemanja Bjelica at Miroslav Raduljica para patunayan ang pagiging ranked number 4 sa buong mundo.

Aminado si national coach Yeng Guiao na masyadong malaki at masyadong magaling ang Serbia para sa Gilas.

Pinanunahan naman ni CJ Perez ang Gilas na nagtala ng 16 points habang mayroong 15 points si Paul Lee, 8 points si June Mar Fajardo, 7 points si Japeth Aguilar at five points naman ang nagawa ni Andray Blatche.

Susunod na makakaharap ng Gilas ang Angola habang maghaharap ang Italy at Serbia para sa top spot ng group D.