gilas

Balak ngayon ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guaio na magkaroon ng maagang ensayo ng national team para sa pagsabak nila sa FIBA World Cup.

Ito ang nilalaman na proposal ni Guiao sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

-- Advertisement --

Ayon kay Guiao, may maidudulot na maganda sa kanilang koponan ang maagang ensayo para lalo sila ay maging handa.

Plano nila ang pagsagawa ng tune-up games sa mga nakaharap na nila noong eliminations gaya ng Australia para tuluyan ng maayos ang naganap na alitan noong nakaraang taon.

Tiniyak naman ni PBA commissioner Willie Marcial na kanilang pag-aaralan ang nasabing proposal ni Guiao.

Magugunitang nasa Group D ang Gilas Pilipinas kasama ang Serbia, Italy at Angola.

Sa laro na gaganapin sa China ay unang makakaharap ng Gilas ang Italy sa Agosto 31 habang sa Setyembre 2 ay ang bansang Serbia at ang laban naman sa Angola ay sa Setyembre 4.