Nagdesisyon ang Gilas Pilipinas na huwag ng dumalo sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games ngayong araw.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na igugol na lamang nila ang araw sa ensayo.

May dalawa silang ensayo ngayong araw bilang bahagi ng paghahanda sa nasabing torneo.

Nilinaw naman nito na manonood sila sa ilang mga atleta bilang suporta.