Gilas Pilipinas2
Gilas Pilipinas

Nais ni Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel na ipagpatuloy pa rin ng koponan ang pag-ensayo para sa pagharap nila sa Thailand na nauna ng na-postponed dahil sa banta ng coronavirus.

Sinabi nito na habang hinihintay pa ang petsa kung kailan ito itutuloy ay mahalaga ang pagkakaroon ng kahandaan ng koponan.

Maari aniya na gawing isang beses sa isang linggo ang ensayo bilang paghahanda.

Nauna rito tinalo ng national team ang Indonesia 100-70 sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.