-- Advertisements --

Aminado si Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na apektado sila sa gagawing bubble format ng PBA.

Ito ay dahil mahihirapan siyang mahiram ang ilang PBA players na miyembro ng national team.

Nakasaad kasi sa nasabing format na hindi makakalabas ang mga manlalaro sa Clark, Pampanga kung saan doon gagawin ang bubble format hanggang hindi natatapos ang liga.

Ayon kay Baldwin na tanging mga manlalaro na kontrolado nila ay sina Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Allyn Bulandi at Rey Suerte na kaniyang napili noon pang 2019 PBA special draft.

Magugunitang hinihintay na ng PBA ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa plano nilang bubble format para ituloy na ang naantalang mga laro sa PBA sa susunod na buwan hanggang sa Disyembre.