Reading Time: 1 minute
Gilas Fiba Yeng Guiao andray blatche Cj
Gilas Pilipinas (photo SBP Facebook)

Natapos na ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup matapos matalo sila ng Iran 95-75 sa classification phase.

Dahil sa pagkatalo ay nasa panghuling puwesto sa classification group na nasa pang 32 ang puwesto sa final ranking.

Hindi na rin kasama ang Gilas sa Olympic Qualifying Tournament dahil ang top 16 lamang ang makakapasok na siyang lalaban sa walong qualifiers para makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics.

Makakasali lamang ang Gilas Pilipinas sa isa sa apat na OQT kapag makapili ang FIBA ng koponan sa wildcard slot.