tab baldwin
Former Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin/ Photo courtesy of FIBA
-- Advertisements --

Bumandera ang high school star player na si LeBron Lopez sa mga bagong mukha na inimbitahan ng Gilas Pilipinas para sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ang 6′ 5″ na forward ay isa sa 11 bagong mukha na sasailalim sa training ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa pamumuno ni progrm director Tab Baldwin.

Karamihan kasi sa mga isinama ni Baldwin ay mga manlalaro mula sa Ateneo.

Bukod kay Lopez ay makakasama rin si SJ Belangei, Gian Mamuyac, Forthsky Padrigao, Josh Lazaro, Geo Chiu, Troy Malilin, Jason Credo at Kyle Ong.

Sumailalim muna sa RT-PCR tests ang mga manlalaro bago sila nagtungo sa training sa Calamba para paghandaan ang FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark sa darating na Hunyo.

-- Advertisement --

Nauna ng napili para sa national team sina Isaac Go, Rey Suerte, ang kambal na sina Matt at Mike Nieto, William Navarro, Jordan Heading at Jaydee Tungcab.