Agaw atensiyon sa kanyang unang pagdalo sa national team na Gilas Pilipinas ang  Filipino-German na si Christian Standhardinger na ginanap sa Meralco Gym.

Ipinagbunyi naman ng Team Gilas ang pagdating ni Standhardinger sa pangunguna ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, Gilas team manager Butch Antonio at national coach Chot Reyes.

Malaki ang pasasalamat ni Reyes sa pagdating ng Fil-German dahil kulang pa naman sa tangkad ang team.

Buti na lamang daw at nandiyan na ang 27-anyos na 6-7 na si Standhardinger at si Kobe Paras.

Nagsimula na sa training sessions ang Gilas bilang paghahanda sa Jones Cup sa July na gagawin sa Taiwan at sa Agosto sa Malaysia para sa SEA Games.

Samantala dumalo rin sa practice sina Paras, Matthew Wright, Ed Daquioag, Kiefer Ravena, Kevin Ferrer, Mike Tolomia, Raymar Jose, Von Pessumal, Fonzo Gotladera, Ray Parks, Almond Vosotros, at Jones Cup reinforcement Mike Myers.

Bahagi rin ng team sina Jiovani Jalalon at Mac Belo.

Una nang inanunsiyo ni Reyes‏ ang mga players na kanyang isasabak sa SEA Games na kinabibilangan nina Tolomia, Amer, Ravena, Vosotros, Parks, Pessumal, Ferrer, Paras, Cruz, Jose, Rosario at Standhardinger.