Hinihintay pa ng Gilas Pilipinas ang go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Disease na payagan silang magsagawa ng bubble training camp sa Calamba, Laguna sa buwan ng Nobyembre.

Ito ay bilang paghahanda sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kahalintulad din ito ng ginawa ng TNT Tropang Giga bago ang pagsisimula ng 2020 PBA Philippine Cup na sa National University Laguna Campus sila nagsagawa ng training .

Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) assistant to the President Ryan Gregorio na kapag pumayag na ang IATF ay agad na magsasagawa ng swab testing sa mga manlalaro.