Giannis Antetokounmpo
Giannis Antetokounmpo/ IG image

Pinahiya ng Milwaukee Bucks at ni Giannis Antetokounmpo ang debut ng bagong tandem ng Houston Rockets na sina James Harden at Russell Westbrook nang talunin sa score na 117-111.

Ito ay sa kabila na na-fouled out si Giannis may limang minuto pa ang natitira sa laro.

Nagtala ng triple-double performance ang reigning NBA MVP sa buwena manong panalo ng Bucks ngayong season.

Si Antetokounmpo ay tumipa ng 30 points, 13 rebounds at 11 assists.

Sa panig ng Rockets nasayang ang diskarte ni James Harden na may 19 points, 14 assists.

Si Russell Westbrook naman ay kumamada ng 24 points at 16 rebounds at seven assists.

Ang susunod na makakalaban ng Bucks ay ang Miami Heat sa Linggo.

Sa panig ng Rockets, sunod na makikipagtuos ito sa New Orleans.